Ang wika ay pag-ari ng tago. Nasa tao ang paraan kung paano ito gagamitin. Ginagamit na ito sa mga konferens*, seminar, o konvensiyon* bilang wika ng pagpapalaya, pambansang karakter, sumusulong sa pambansang kultura, nagsusulong sa mabisang midyum ng pagturo* ng iba't ibang disiplina o pagturo* ng karapatan at pantaong* pananagutan, nagpapalaganap ng kamulatang agham sa masang mamamayan, tagabuo ng panitikang makabayan, panlipunang* kasangkapan tungo sa pangkaisipang kaunlaran, nagpapalaya sa papel ng akademi*, nagbubunsod sa nasyunalismo*, tagabuo ng pangkalinangang* diskors, atbp*.
- Paglinaw* sa Mahahalagang* Konsepto ng Wika
- Kahulugan ng Wika
- Ang wika ay sistema ng mga tunog, arbitraring* ginagamitan sa pantaong* komyunikeysiyon. (Hutch, 1991)
- Ang wika ay isang paraan ng komyunikeysiyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layuning* ginagamitan ng mga signal na verbal* at viswal* para makapagpapahayag.
- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salitang ginaggamit at naiintindihan ng isang komyuniti.(Webster)
- Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraring simbolo ng mga tunog para sa komyunikeysiyon ng mga tao.(Sturtevant)
- Ang wika ay masistemang balangkas ng tunog* na sinasalita, pinili, inayos* sa arbitraring* paraan upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.(Gleason, 1961)
- Ang wika ay* kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kaniyang* sining.(Pineda, 2004:236)
- Ang wika ay* pangunahing instrument ng panlipunang* komyunikeysiyon.(Constantino, 1996:12)
- Ang wika ay tagapagpahayag a impukan-imbakan ng kultura.(Salazar, 1996:19). Ang kultura ay kabuuan ng isip,damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan.
- Ang wika ay napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan.(Otanes, 1990:96)
- Ang wika ay kasangkapang* ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit.(Santiago, 1995:2)
- Ang wika ay* buhay, kailan man at saan man; ito ay umuunlad habang ginagamit.(KWF, 1997:20)
- Ang wika ay sinasalita, at nababatay sa anyong pasalita.(Del Rosario, 1991:42)
- Ang wika ay pinakaelaboreyt@ na anyo ng gawaing simbolik at pantao.(Archibald A. Hill)
- Katangian ng Wika
- may-tunog
- arbitrari* (pili ang salita)
- masistema
- sinasalita
- nagbabago (lelong - matangdang lalaki; salipawpaw - eroplano; salumpuwit - silya)
- malikhain
- Varayti at Varyesyon* ng Wika
- Dayalek. Ito ay sinasalita ng mga taong heyografik* komyuniti*.
- Nueva Ecija - Kumain na akoye. Ikaw baye ay hindi sasama?
- Batangas - Paano baga pumunta sa Subic? Ano baga itong nangyari sa akin?
- Sosyolek (sosyal-dayalek). Ito ay sinasalita ng mga tao sa lipunan.
- Idyolek. Ito ay kabuuan ng mga katangian sa pagsalita ng tao. Ito ay kani-kaniyang paraan ng gamit ng wika.
- Ekolek. Ito ay ginagamit sa tahanan.
very nice article
TumugonBurahinhttp://fitnessfreakes.com/components-of-physical-fitness-5-components-physical-fitness/
You just save my grade. Thank you
TumugonBurahinCasinos in Malta - Filmfile Europe
TumugonBurahinFind the best Casinos in Malta including bonuses, games, games and the history of games. We 토토 사이트 cover all 1등 사이트 the main reasons to septcasino.com visit Casinos poormansguidetocasinogambling.com in